Pages

Tuesday, June 03, 2014

Korean national, nagreklamo sa BTAC matapos sirain ng apat na kalalakihan ang mga gamit sa kanyang bar

Posted June 3, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Tinatayang nasa mahigit kumulang P60, 000.00 ang nasirang mga gamit sa isang bar sa Balabag Boracay kaninang madaling araw.

Ito’y matapos na magkagulo at magsuntukan ang dalawang grupo ng mga nag-iinumang kalalakihan doon.

Ayon sa report ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), nagkaroon ng komosyon sa lugar, kung saan sangkot ang apat na mga kalalakihan na sina Kenjie Martin, Naim Gandaro, Lee Mark Dueno at Jenan Gumboc.

Lumalabas sa imbestigasyon na alas dos kanina ng madaling araw habang nag-iinuman sina Dueno at Gumboc sa nasabing bar nang wala umanong probokasyong hinampas ng bote ng beer ni Martin at Gandaro ang dalawa.

Dahil dito, nagresulta sa suntukan at kaguluhan ang nasabing panyayari kung saan naglabasan din umano ang ilang mga costumer doon na hindi pa nakakapagbayad.

Inereklamo naman ng Koreanong manager na si Jason Jeung, 26 anyos ang apat sa BTAC dahilan upang maharap din ang mga ito sa kasong Alarm and Scandal at Malicious Mischief.

No comments:

Post a Comment