Pages

Monday, June 09, 2014

Lasing na security guard, sugatan matapos maaksidente sa Boracay

Posted June 9, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Don’t drink and drive!

Simpleng paalala na madalas makikita sa mga patalastas o billboards, na kung laging isasaisip ng mga motorista ay tiyak mababawasan ang aksidente sa kalsada.

Subali’t kabaligtaran ito sa sinapit ng security guard na si Alrey Bartolo, 23 anyos ng Bogasong Antique na naaksidente kagabi habang nagmamaneho ng motorsiklo.

Ayon sa blotter report ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) binabaybay ni Bartolo ang kahabaan ng Balabag Boracay papuntang Yapak nang mawalan ng kontrol at matumba sa harapan ng isang resort doon.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga pulis na nasa ilalim ng nakalalasing na inumin ang biktima dahilan upang madali itong nawalan ng balanse habang nagmamaneho.

Samantala, nabatid naman sa report ng mga pulis na inilipat ang biktima sa isang ospital sa Kalibo para sa karampatang medikasyon, matapos itong magtamo ng pinsala sa iba’t-ibang parte ng katawan dulot ng nasabing insidente.

No comments:

Post a Comment