Pages

Monday, June 09, 2014

4 na Korean national at batang kasama nila, isinugod sa ospital matapos maaksidente ang sinasakyang traysikel

Posted June 9, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Kaagad na isinugod sa Boracay Hospital ang apat na Korean national at ang batang kasama nila, matapos maaksidente ang sinasakyang traysikel kaninang madaling araw.

Kinilala sa blotter report ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang mga Korean national na sina Kim Dong Hyun, 35 anyos, Yoon Jung Min, 34 anyos, Lee Chang Kun, 40 anyos Ha Ji Hye, 24 anyos at 15 buwang batang babae.

Nakilala naman ang drayber ng traysikel na si Ronaldo Lorenzo, 34 anyos, ng Vivo Tangalan Aklan.

Ayon sa report, nangyari ang aksidente nang dumausdos at mahulog ang dalawang bag ng mga biktima na nakalagay sa itaas ng traysikel.

Bumangga umano ang nahulog na bag sa harapang gulong ng traysikel, kung kaya’t nawalan ito ng kontrol at sumadsad.

Dahil dito, nagtamo ng gasgas sa iba’t-ibang parte ng katawan ang mga biktima dulot ng aksidente.

Samantala, minarapat naman ng mga itong dumeritso sa tinutuluyang resort sa Barangay Yapak matapos gamutin, habang ikinustodiya ng BTAC ang driver para sa karampatang disposisyon.

No comments:

Post a Comment