Pages

Monday, June 09, 2014

Halos sampung libong consumers, dumalo sa 31st AGMA ng Akelco

Posted June 9, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Halos sampung libong mga consumers ang dumalo sa isinagawang General Annual Assembly ng Aklan Electric Cooperative (Akelco) sa bayan ng Kalibo nitong Sabado.

Kabilang sa dumalo dito ang mga kunsumidor mula sa ibat-ibang distrito ng probinsya at ilang bayan sa Antique na binibigyan ng serbisyo ng Akelco.

Naging panauhing pandangal naman sa naturang Assembly si Party List Representative Edgardo Masongsong na mula pa sa Cebu City.

Layunin ng Assembly na ipaabot sa mga kunsumidor ng Akelco kung ano ang dahilan ng sunod-sundo na nararanasang brown out at ang matagal na pagbalik ng suplay ng kuryente matapos ang nakaraang bagyong Yolanda.

Ayon kay Akelco Out Going General Manager Chito Peralta halos dalawang libo umano ang mga nasirang poste ng kuryente dahilan para matagalan ang pagbabalik ng suplay nito kabilang na ang kakapusan ng pondo.

Nabatid na mahigit ilang oras din ang itinagal ng nasabing AGMA kung saan ilan pang report ang ibinihagi ni Peralta sa mga kunsumidor matapos ang kaniyang panunungkulan ng mahigit anim na taon sa serbisyo.

No comments:

Post a Comment