Pages

Tuesday, June 03, 2014

Aklan Gov. Miraflores, pinangunahan ang LPP-TB Program sa probinsya

Posted June 3, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinagunahan ni Aklan Governor Florencio Miraflores ang Ligtas na Pamilyang Pilipino Laban sa TB (LPP-TB) Program.

Katuwang niya dito ang buong municipal mayors sa probinsya ng Aklan kung saan nilagdaan nila ang pledge of support nitong provincial-municipal local chief executives dialogue tungkol sa TB nitong Biyernes.

Nabatid na noong may roong 20 rural health units, tatlong hospital at clinic na accredited and certified DOST facilities sa probinsya.

Napag-alaman din na noong nakaraang taon ang probinsya ay may kaso ng TB na 90 percent kumpara sa 101 percent noong 2012.

Meron ding naitalang 91percent tuberculosis cure rate noong nakaraang taon, kung saan mataas ito ng 77 percent noong 2010.

Kaugnay ng nasabing kasunduna ang provincial government ay maglalaan ng fincial support para palakasin ang TB service delivery mechanism, gayon din para palakasin ang  pakikipagtulungan sa public-private sector at multi-sectoral para ma kontrol ang pagtaas ng TB sa Aklan.

Inaasahang magkakaroon ng ibat-ibang plano ang gobyerno tungkol dito kataulad ng inaasang paglagay ng Multi-drug-resistant TB satellite treatment center sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital.

Ang pakikipagtulungan ng Department of Health, provincial government ay nakikitang ang TB Diagnostic, treatment at information services ay malaking tulong sa komunidad.

No comments:

Post a Comment