Pages

Friday, June 06, 2014

DOT Boracay, naniniwalang ok lang sa mga turista ang mga basurang dala ng habagat sa isla

Posted June 6, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Ok lang ang mga biodegradable o matutunaw na basura, huwag lang ang mga plastic.

Ito ang sinabi ng DOT o Department of Tourism Boracay Sub-office kaugnay sa pagdagsa ng mga basura sa dalampasigan dulot ng pagpasok ng habagat sa isla.

Ayon kasi kay DOT Boracay Officer Tim Ticar, eye sore o masakit sa mata ng mga turista ang mga plastic na basura, kumpara sa mga basurang natutunaw katulad ng mga dahon.

Ok lang din umano ito, basta’t lilinisin din kaagad ng mga beach cleaners.

Samantala, muli namang nanawagan si Ticar sa lahat lalo na sa mga beach front establishments na makipagtulungan sa LGU Malay pagdating sa pagpapanatili ng kalinisan ng isla.

Naniniwala din si Ticar na galing sa labas ng Boracay ang mga basurang dala dito ng Habagat.

No comments:

Post a Comment