Pages

Thursday, June 05, 2014

BFI, umaasang bibigyang tugon ng SP Aklan ang kanilang ipinadalang position paper

Posted June 5, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Umaasa umano ang Boracay Foundation Incorporated (BFI) na mabibigyang tugon ang kanilang ipinadalang position paper sa Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan.

Kaugnay ito sa kahilingan ng BFI na 100 porsiyento lamang sa halip ng 200 hanggang 300 porsiyento ang itaas kanilang magiging bayarin sa buwis.

Ayon kay BFI President Jony Salme, hindi  naman sa mahigpit na pagtutol sa iminumungkahing Schedule of Base Market Values,  kundi sadyang mahirap para sa kanila lalo na sa may mga maliliit na negosyo ang mahigit sa 200 porsiyento.

Samantala, kasalukuyang namang pinag-aaralan ng SP Aklan at Provincial Assessor’s Office ang mga hinaing ng mga tax payers mula sa 17 na bayan sa Aklan lalo na sa Boracay bago ipasa ang bagong ordinansa.

Ito’y kasunod na rin ng urgent request ni Aklan Gov. Florencio “Joeben” Miraflores na repasohin na ang bagong Base Market Values sa probinsya.

Nabatid na itataas sa 200 hanggang 300 percent ang bagong bayarin sa buwis dahil pansamantalang isinantabi ng pamahalaang probinsyal sa loob ng siyam na taon ang General Revision ng Base Market Values dito.

No comments:

Post a Comment