Pages

Friday, June 06, 2014

Tambisaan Port, inihahanda na sa Habagat Season

Posted June 6, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Inihahanda na ng Brgy. Manoc-manoc ang Tambisaan Port para sa pagpasok ng Habagat Season ngayong buwan ng Hunyo.

Ayon kay Manoc-manoc Baranggay Captain Abram Sualog, mayroon nalang umano silang kunting inaayos ngayon para sa mas ikokomportable ng mga pasahero.

Nabatid na ang Tambisaan Port ay dinagdagan ng mga pasilidad para mapabilis ang operasyon.

Bagamat may kaliitan, siniguro naman ng Brgy. Manoc-manoc na maayos nilang mabibigyan ng serbisyo ang lahat ng mga pasahero lalo na ang mga turista.

Maliban dito, pinagtutuunan din nila ng pansin ang daungan ng mga bangka na kung minsan ay nagreresulta ng mabagal na operasyon.

Sa kabilang banda inaasahan din ng nasabing brgy. ang pagpapaganda ng Tambisaan Port sakaling magkaroon ng sapat na pondo ang gobyerno para dito.

Samantala, tiniyak naman ni Sualog na magiging safe ang mga pasahero sa Tambisaan port pagsapit ng Habagat kung saan magtatalaga sila ng mga bantay kabilang na ang Philippine Coastguard.

Ang Tambisaan Port ang siyang nagsisilbing pantalan patawid ng Tabon Port sa Caticlan para sa mga pasaherong turista o residente man ng Boracay kapag mararanasan na ang Habagat Season.

No comments:

Post a Comment