Pages

Monday, June 23, 2014

Arabong nagreklamo na nawawala ang pera,nasupalpal dahil sa kawalan ng ebidensiya

Posted June 23, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Mabuti ang ginawa ng isang resort sa station 3 Boracay na tumawag ng pulis at pinaimbistigahan ang reklamo ng kanilang guest.

Maaari kasing sila ang napahiya kung hindi napatunayan na walang katotohanan ang reklamo nito.

Ayon kasi sa police report ng Boracay PNP, nagreklamo sa nasabing resort ang guest nilang Arabo na nawawala ang kanyang pera sa volt.

Dahil dito, kaagad tumawag ng pulis ang resort at pinaimbistigahan ang nangyari sa tulong ng SOCO o Scene of the Crime Operatives.

Nireview ang CCTV ng resort, kung saan nakita ang oras na lumabas at bumalik ang Arabo at ang kanyang pamilya hanggang sa oras na umano’y nadiskubre ang pagkawala ng kanyang pera.

Tiningnan din ang volt kung may mga naiwang finger prints, subali’t wala din umanong nakuhang ebidensiya ang mga taga SOCO.

Kung kaya’t base sa pag-iimbistiga, nabatid na alegasyon lamang at walang katotohanan ang reklamo ng Arabo.

No comments:

Post a Comment