Pages

Monday, June 23, 2014

Bahagi ng Tambisaan port sa Manoc-manoc, gumuho

Posted June 23, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Gumuho ang malaking bahagi ng Tambisaan port sa Manoc-manoc nitong Sabado.

Ayon sa ilang mga porter doon, nagulat na lamang sila sa isang malakas na tunog na kung may anong malaking bagay ang nahulog sa tubig.

Nang kanilang tingnan, natuklasang isang malaking bahagi pala ng port na madalas nilang tinatambayan ang gumuho.


Kuwento ng isang porter na si Jason, nitong nakaraang Sabado ng hapon nang mangyari ang pagguho.

Mabuti na lamang aniya at hindi tinamaan ang mga batang naliligo malapit doon.

Samantala, ayon naman sa ilang residente doon, maaaring lumambot na ang gumuhong bahagi ng port dahil sa epekto ng mga naranasang lindol, lalo pa’t isa umano itong korales.

Wala namang napaulat na nasaktan sa nasabing pagguho at hindi naapektuhan ang operasyon ng nasabing port.

No comments:

Post a Comment