Pages

Monday, June 23, 2014

Mga katutubong Ati sa Aklan, itatampok sa Dayaw Festival

Posted June 23, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

www.facebook.com
Tampok sa isasagawang Dayaw Festival ang mga katutobong Ati sa probinsya ng Aklan.

Ito’y matapos na magkaroon ng pagpupulong ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA), Ati leaders at ang Aklan Province nitong June 18, 2014 sa Governor's Office Conference Room.

Dito napag-usapan nila na magkaroon ng Dayaw Festival sa probinsya kung saan ito ay para lamang sa mga nasabing katutubo.

Nabatid naman na ang Dayaw Festival ay isasagawa sa bayan ng Malay dahil dito umano karamihang makikita ang mataas na numero ng Aklan's Indigenous People.

Ang nasabing pagpupulong ay pinagunahan mismo nina Gov. Joeben Miraflores at Congressman Ted Haresco, Jr. bilang pagbibigay halaga sa mga katutubong Ati.

Napag-alaman na dumarami ang mga Indigenous People sa probinsya kung saan ay mayroon din silang sariling lugar na makikita sa bayan ng Malay at ang iba ay nagtratrabaho sa isla ng  Boracay.

No comments:

Post a Comment