Pages

Monday, May 12, 2014

Mga residente sa Boracay, nagpaabot ng hinaing hinggil sa manaka-nakang brown-out na nararanasan sa isla

Posted May 12, 2014 as of 5:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

“Perwisyo na sa amin ang biglaang pagkawala at pagbalik ng supply ng kuryente”

Ito ang hinaing na nais ipaabot ng mga residente sa isla ng Boracay hinggil sa patuloy pa ring nararanasang power interruption sa isla.

Bagamat nauna nang humingi ng paumanhin ang Aklan Electric Cooperative (AKELCO) dahil sa problemang ito na nararanasan hindi lamang sa Boracay kundi pati narin sa iba pang mga bayan sa Aklan.

Hindi umano ito sapat ayon sa ilang residente sapagkat ang nais nila ay kung ano ang posibleng hakbang ng kooperatiba upang maaksyunan ang ganitong problema.

Ayon kay Liza, maliban sa madaling masira umano kasi ang kanilang mga de kuryenteng gamit, at madaling manakawan dahil sa biglaang kawalan minsan ng ilaw.

Perwisyo din para sa kanila ang init ng temperaturang nararanasan dahil sa tagtuyot o mainit ang panahon.

Samantala, nabatid naman sa paliwanag ng AKELCO sa isinagawang pagpupulong nitong Mayo 10 kasama ang Boracay Foundation Inc. (BFI) na kaya nagkakaroon ng power interruption ay dahil sa low voltage at manual load dropping.

Ito’y dahil na rin umano sa pagsasaayos ng connection ng NGCP 69KV sa 50MVA ng Panit-an Capiz na naka-konekta rin sa Nabas Aklan Substation kung saan kumukuha ng supply ang AKELCO.

Patuloy namang hinihimok sa ngayon ng AKELCO ang mga member consumers na magtipid sa paggamit ng kuryente.

No comments:

Post a Comment