Pages

Tuesday, May 13, 2014

Kabalikat Civicom, naglunsad ng Motorcycle Safety Seminar sa Boracay kahapon

Posted May 13, 2014 as of 7:00am
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Isang Motorcycle Safety Seminar ang inilunsad ng Kabalikat Civicom sa Boracay kahapon.

Ayon kay Kabalikat Civicom Taguig Chapter Vice President at National Motorcycle Head Martial Arjay Bimbo Amer, national project nila ang nasabing saf
ety seminar para mismo sa kanilang mga miyembrong nagmomotorsiklo.

Mga volunteers lang kasi aniya ang mga miyembro ng Kabalikat, kung kaya’t kinakailangang maging equipped o handa rin sila sa tuwing sasabak sa mga rescue operations.

Maliban dito, sinabi pa ni Amer na nakakaalarma ang mga balita hinggil sa mga aksidente sa motorsiklo sa bansa.

Kaya naman naniniwala umano ito na mababawasan ang mga nasabing aksidente sa pamamagitan ng pagbahagi ng wastong kaalaman.

Samantala, nilinaw naman ni Amer na hindi lang para sa kanilang mga miyembro ang nasabing seminar, kungdi sa iba pang miyembro ng komunidad.

Nabatid na may mga miyembro din ng motorbike riders sa isla ang dumalo sa seminar kahapon, ang ilang residente at miyembro ng Muslim community sa isla.

Tampok naman sa seminar ang mga paalala katulad ng bawal magmaneho ng motorsiklo kung nakainom ng alak, disiplina sa pagmamaneho, at pagsusuot ng helmet at safety gears.

No comments:

Post a Comment