Pages

Monday, May 12, 2014

Mga boat operators galing Hambil, pinayuhan ng PCG kaugnay sa ipinapatupad na 1 Entry-1 Exit Policy sa Boracay

Posted May 12, 2014 as of 12:00nn
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Dapat i-secure lagi ang mga safety documents at permits.

Ito ang payo ng PCG sa mga boat operators galing Hambil kaugnay sa ipinapatupad na 1 Entry-1 Exit Policy sa Boracay.

Ayon kay Philippine Coastguard Boracay sub-station commander PO1 Arnel C. Zulla, kailangan talagang isaalang-alang lagi ng mga na boat operators ang kanilang dukumento bago pumalaot upang maiwasan ang anumang abala o problema sa kanilang pagdating sa isla.

Kaugnay din ito sa mandato ng pamahalaang probinsya ng Aklan sa mga law enforcers sa isla na bantayang mabuti ang dalampasigan laban sa mga lumalabag sa 1 Entry-1 Exit Policy.

Dapat kasi na sa Cagban Port lamang magda-dock ang mga nasabing bangka at hindi pwede sa beach front ng Boracay.

Samantala, maaalalang nagbabala ang LGU Malay na huhulihin ang mga bangka partikular na ang sa Hambil Romblon kapag lumabag sa nasabing batas.

No comments:

Post a Comment