Pages

Wednesday, May 28, 2014

Maagang pagpasok ng “habagat” pinaghahandaan na ng LGU Malay

Posted May 28, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinaghahandaan na ng Lokal na Pamahalaan ng Malay ang maagang pagpasok ng habagat season ngayong pangalawang linggo ng Hunyo.

Ito’y matapos kinumpirma ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mararanasan ang southwest monsoon, o “habagat,” sa una o pangalawang linggo ng buwan ng tag-ulan.

Ilan sa mga magiging paghahanda ng LGU Malay dito ay ang pagsasaayos ng Tambisaan at Tabon Port na siyang magsisilbing pantalan ngayong habagat.

Nauna ng sinabi sa SB Session ng Malay na kailangan ang Tambisaan at Tabon Port lamang ang gagamitin kapag umiiral na ang habagat at hindi na muna kailangan ilipat sa Cagban at Caticlan Jetty Port upang maiwasan ang pagkalito ng mga pasahero.

Samantala, sinabi pa ng PAGASA na mararanasan ang pagtama ng habagat sa Western Seaboards ng Luzon at Visayas kung saan maaari itong makaapekto sa bansa ngayong Hunyo hanggang Setyembre.

No comments:

Post a Comment