Pages

Wednesday, May 28, 2014

CCTV cameras, isinusulong ni Aklan Representative Haresco sa kongreso

Posted May 28, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Isinusulong ngayon ni Aklan Representative Teodorico Haresco Jr. ang mandatory installation ng closed-circuit television (CCTV) cameras sa mga pangunahing kalsada sa bansa.

Sa kaniyang House Bill (HB) 4335, ay tatawagin itong “CCTV Act of 2014,” na makakatulong para ma-monitor ang mga aksidente sa kalsada.

Sinabi nito na sa pamamagitan umano nang paggamit ng mga CCTVs, ay masisiyasat ang mga aksidente sa kalsada at pagtataya ng mga sitwasyon ng trapiko bilang epektibong pamamaraan.

Aniya, ang video/ tape recordings ay magagamit bilang ebedinsya sa road accidents o kaso na kinabibilangan ng traffic violations.

Sa ilalim ng ipinanukalang “CCTV Act of 2014,” ang departamento ng Interior at Local Government, Transportation at Communications, Public Works and Highways, at ang Philippine National Police ay makikipagtulungan sa local government units, upang utusang ipatupad ang mga patakaran at regulasyong ito.

Sa ngayon kasalukuyang pang nakabibin sa committee on transportation ng kongreso ang House Bill 4335 ni Haresco.

No comments:

Post a Comment