Pages

Wednesday, May 28, 2014

Mga Barangay Officials, maaari nang mag-apply ng BOE sa Civil Service Commission

Posted May 28, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Maaari na ngayong mag-apply ng Barangay Official Eligibility (BOE) ang mga Barangay Officials sa Civil Service Commission (CSC).

Ang BOE ay iniisyu ng CSC kung saan binibigyan ng eligibility na equivalent sa Sub-professional level ang mga Barangay Officials at hindi na kailangan pang kumuha ng exam.

Ayon sa CSC, ang eligibility ay indikasyon at ticket upang makapagtrabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan.

Requirement naman sa aplikante dito ang may magandang asal (good moral character), hindi nahatulan ng "guilty" sa kahit anong kaso o di kaya ay natanggal sa pagiging empleyado ng pamahalaan dahil sa pagiging imoral na gawain.

Kinakailangan ding magdala ang isang aplikante ng mga sumusunod na requirements kapag sila ay mag-aaplay sa opisina ng CSC: apat na kopya ng magkakamukhang litrato na kinunan sa loob ng tatlong buwan bago ang pag-aaplay, passport size (4.5cm x 3.5cm o 1.78” x 1.38”), colored na may puting background, standard close-up shot, natural na anyo ng mukha at may buong pangalan (nametag) at lagda ng nasa larawan.

Samantala, maaari namang mag-sumite ng kanilang mga aplikasyon sa CSC Regional Offices o Field Office sa kanilang lugar ang mga aplikante.

No comments:

Post a Comment