Pages

Friday, May 30, 2014

Kaso ng pagnanakaw muling naitala sa isla ng Boracay

Posted May 30, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muli na namang nakapagtala ng kaso ng isang pagnanakaw ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) kaninang madaling araw.

Ayon sa report ng Boracay PNP, dumulog sa kanilang tanggapan ang biktimang kinilalang si Anna Sarvanti, 21-anyos isang Finish National na mula sa Shainghai, China kasama si Nicholas Christian Hersnaes, 23-anyos, na isang Danish National ng Landsdommervej, Denmark.

Basi sa salaysay ng mga biktima habang sila umano ay naliligo sa front beach ng station 2 kaninang alas-kwatro ng madaling araw ay iniwan nila ang kanilang mga gamit sa may dalampasigan kung saan malapit sa kanilang pinaliliguan.

Sinabi pa nitong si Anna na kaniyang tinitingnan ang kanilang mga gamit sa lahat ng oras subalit napansin nito na tila mayroong hindi kilalang lalaki ang kumuha ng kanilang mga gamit at nagtungo sa hindi malamang direksyon.

Agad naman nila itong hinabol ngunit bigo silang makita ang suspek dahil na rin sa may kadiliman pa ng mangyari ang nakawan.

Napag-alaman na natangay sa mga biktima ang Samsung camera ni Anna na nagkakalahalaga ng 700 Euro, color white Samsung cell phone na nagkakalaga rin ng 550 Euro, wallet na may cash na P2, 000.00 at 200 Euro.

Habang natangay din mula kay Nicholas ang kaniyang wallet na naglalaman ng Credit card kasama ang Danish Driver’s License.

Muling paalala ng mga otoridad sa mga turista na huwag iiwanan ang mga mamahaling gamit sa dalampasigan kapag sila ay naliligo sa dagat dahil maraming taong mapagsamantala na naghahanap ng pagkakataon na makapag-nakaw.

No comments:

Post a Comment