Pages

Friday, May 30, 2014

Sticker na naglalaman ng mga valuable tips, pinangunahan ng Boracay PNP

Posted May 30, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinangunahan ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang pagdidikit ng mga sticker sa ibat-ibang lugar sa Boracay na naglalaman ng mga Valuable Tips.

Ito’y dahil sa nangyayaring petty crimes at nakawan sa isla lalo sa mga gamit na kadalasang iniiwan sa dalampasigan ng mga turistang naliligo sa dagat.

Ayon sa Boracay PNP, pinamumunuan ito ni Police Community Relation Officer PO3 Cristopher Mendoza, kung saan dinidikit nila ito sa ibat-ibang establisyemento sa isla.

Nabatid na ang Salitang Boracay ay binigyan ng ibat-ibang kahulugan kung saan may malaki itong tulong sa mga turista upang maging alerto sila sa kanilang mga kagamitan at sa kanilang sarili.

Ayon pa sa Boracay PNP katuwang nila dito ang isang Travel Agency na nag-sponsor upang bigyan ng awareness ang mga taong nagbabaksyon sa isla ng Boracay.

Napag-alaman na ang Boracay PNP ay isa sa mga nagpapalaganap ng ibat-ibang awareness campaign sa isla para sa seguridad ng lahat.

No comments:

Post a Comment