Pages

Friday, May 30, 2014

Danish at Finnish national na ninakawan ng mahigit 20 mil pesos sa Boracay, iniimbestigahan pa rin ng BTAC

Posted May 30, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Patuloy pa rin sa ngayong iniimbestigahan ng mga taga Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang kaso hinggil sa pagnanakaw sa dalawang turista sa Boracay.

Nabatid na nakilala sa blotter report ng BTAC ang mga biktima na sina Anna Sarvanti, 23 anyos ng Finland at Nicholas Christian Hersanaes, 23 anyos isang Danish national.

Lumalabas sa imbestigasyon na alas kwatro kahapon ng madaling araw habang naliligo ang dalawa sa baybayin ng Balabag Boracay sa harap ng isang resort nang tangayin ng hindi nakilalang suspek ang kanilang mga gamit at pera na nagkakahalaga ng mahigit 20 mil pesos.

Samantala, muli namang ipinapaalala ng mga kapulisan sa mga bakasyunista lalo na sa mga turista na nagbabakasyon dito sa Boracay na mag-ingat  at huwag basta-basta iwan ang mga gamit.

No comments:

Post a Comment