Pages

Monday, May 26, 2014

DepEd Aklan nakahanda na para sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo

Posted May 26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nakahanda na ang Department of Education (DepEd) Aklan para sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo 2.

Patunay dito ang patuloy na ginagawang Brigada Eskwela sa mga paaralan sa probinsya na sinimulan pa noong nakaraang linggo.

Ayon kay DepEd Aklan Education Program Supervisor Mary Ann Salazar, mino-monitor na rin nila ang mga pangangailan ng paaralan para sa pagbubukas ng klase.    

Aniya, naka-focus naman sila ngayon sa isinasagawang enrollment kung saan patuloy parin ang kanilang pagtanggap ng mga enrollees hanggang sa pagbubukas ng klase.

Sinabi rin nito may mga ginawa ng insepksyon ang pamunuan ng DepEd sa mga paaralan sa Aklan lalo na sa mga nangangailangan ng sapat na tulong dahil sa kakulangan ng mga silid-aralan at ilang kagamitan katulad ng libro at upuan.

Nabatid naman na patuloy ang ginagawang pagsasaayos ng DepEd ng mga sirang class room, kabilang na ang pagdagdag ng silid-aralan.

Samantala, muling nilinaw ng DepEd na walang babayaran sa oras ng enrolment sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa.

No comments:

Post a Comment