Pages

Monday, May 26, 2014

Kulturang Filipino at turismo, muling ipinaalala sa selebrasyon ng Grand Boracay Flores de Mayo

Posted May 26, 2014
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Muling ipinaalala sa selebrasyon ng Grand Boracay Flores de Mayo ang kulturang Filipino at turismo sa isla.

Sa ginanap na awarding program ng Grand Boracay Flores de Mayo nitong Sabado, sinabi ni BFI o Boracay Foundation Incorporated President Jony Salme na mahalaga ang turismo sa isla.

Kaya naman unti-unti nila itong dinagdagan ng mga aktibidad na may cultural component, katulad ng Flores de Mayo.

Sinabi pa ni Salme na naging maganda ang selebrasyon ng Flores de Mayo ngayong taon kung kaya’t lalo pa umano nila itong palalaguin.

Samantala, sinabi naman ni Aklan SP Member Esel Flores sa mismong awarding program na dapat ding ingatan ang mga kultura at tradisyong Filipino, dahil ito rin umano ang tourist attaraction ng Boracay.

No comments:

Post a Comment