Pages

Monday, May 26, 2014

Dahil sa umano’y problema sa pamilya, isang security guard walang habas na nagpatupok ng baril

Posted May 26, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Walang habas na nagpaputok ng baril ang isang security guard ng Caticlan Jetty Port dahil sa umano’y problema sa pamilya.

Basi sa imbestigasyon ng Malay PNP, kinilala ang suspek na si Richard Alaer, 42-anyos provincial guard ng Caticlan Jetty Port at residente ng Naili, Ibajay, Aklan.

Ayon kay SPO4 Jenly Cuatriz ng Malay PNP, hindi umano naka-duty si Richard nang ginawa nito ang pagpapaputok bandang alas 7:30 kagabi.

Napag-alaman na nangyari ito malapit sa Caticlan Airport at barracks ng mga pulis habang ito’y nagpaputok gamit ang kaniyang baril.

Nahuli naman ang nasabing suspek at agad na dinala sa tanggapan ng Malay PNP para sa imbestigasyon sa nangyaring insidente.

Nabatid na pitong beses itong nagpaputok ng baril kung saan nakuha din sa lugar ng insidente ang basyo ng mga bala.

Sinabi pa ni Cuatriz na wala namang nadamay sa nasabing pagpapaputok ng sekyu kung saan wala din umanong complainant ang nagsampa ng kaso kontra dito.

Ngunit magkaganon paman maaaring sila umano ang magsampa ng kaso para dito dahil na rin sa paglabag sa batas kontra sa ilegal na pagpapaputok ng baril.

Samantala, ayaw namang magbigay ng pahayag ni Alaer tungkol sa umano’y problema sa kaniyang pamilya na naging dahilan ng kaniyang pagpapaputok ng baril.

No comments:

Post a Comment