Pages

Tuesday, May 27, 2014

Bagong disenyo ng sea wall sa Boracay, iprenesenta kaninang umaga ng LGU Malay

Posted May 26, 2014 as of 6:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Masinsinang pinag-usapan kaninang umaga ang bagong disenyo ng sea wall sa isla ng Boracay.

Sa ginanap na pagpupulong kasama ang mga stakeholders, DOT Boracay, BRTF, DILG at ilan pang mga kawani ng LGU Malay.

Pinaplano na ngayong ipatupad ang proposed “Bamboo Seawall” sa front beach ng isla.

Bagamat umani ng komento at ilang mungkahi, nagkasundo din sa huli ang mga dumalo sa pulong at pumayag ang mga stake holders na subukan ang nasabing plano ng LGU Malay.

Ayon sa isa sa mga stake holder, naiintindihan umano nila na ang ninanais ng lokal na pamahalaan ay para sa ikabubuti ng lahat at sa patuloy na ikagaganda ng Boracay.

Bagay na ipinasalamat naman ng LGU Malay.

Samantala, ang bagong seawall na yari sa kawayan ay sinasabing malaki ang maitutulong sa baybayin ng Boracay lalo na pagdating ng habagat.

Ito’y dahil sa babasagin umano nito ang alon na hahampas sa dalampasigan upang maiwasang tangayin ang puting buhangin papunta sa dagat.

Matatandaan na ang seawall ng mga establisyemento sa Boracay lalo na sa dalampasigan ng Balabag ay isa sa mga nakikitang dahilan noon ng beach erosion sa isla ayon sa mga dalubhasa.

Kaya bilang isa sa mga nakikitang solusyon ng pamahalaang lokal ng Malay lalo ng Municipal Engineering Office at Municipal Planning Office, i-prinesenta ni Engr. Elizer Casidsid ang disenyo ng seawall kanina.

Kaugnay nito, tiniyak naman ng Municipal Planning Office na naayon sa teknikal at syentipikong aspeto ang disenyo at hindi magdudulot ng karagdagdagang problema sa erosion.

1 comment:

  1. The idea is ok. Pero why we need to construct sea walls that is made of bamboo if we can plant coconut trees and lagaylay (it is cheaper than buying bamboos)? Why dont you believe to those scientists who presented the effects of sea walls? They studied for that walls for over a decade. Why dont we accept the fact that soil erosion is happening not just in Boracay.

    Please do not close your mind to a facts. Dont use your methods as it is not yet proven, and if ,please show the details. You are not helping Boracay, you are killing Boracay.

    ReplyDelete