Pages

Tuesday, May 27, 2014

MAP sa Boracay, nagbabala laban sa mga motorsikong may malalakas na tambutso

Posted May 27, 2014
Ni Bert Dalida YES Fm Boracay

Nagbabala laban sa mga motorsikong may malalakas na tambutso ang mga Municipal Auxiliary Police sa Boracay.

Ayon kay MAP o Municipal Auxiliary Police Deputy Chief Rodito Absalon Sr., tatanggalan nila ng malalakas na tambutso ang mga motorsiklong mahuhuli nila, sa kadahilanang bawal talaga ito para sa isla ng Boracay.

Base kasi sa Malay Municipal Ordinance No. 144 Series of 2001, isang noise sensitive zone ang isla kung kaya’t hindi pwede ang gawain ng mga motoristang mino-modify o pinapalitan ng malalakas na tambutso ang kanilang motorsiklo.

Ayon pa kay Absalon, titiyakin nilang maitawid sa mainland ang motor ng mga lalabag sa ordinansa at ipapakabit muli ang orihinal na tambutso ng kanilang motor.

Nabatid na marami pa ring gumagalang motorsiklo sa Boracay ang may malalakas na tambutso sa kabila ng patuloy na paghuli at paalala sa kanila ng mga MAP.  

No comments:

Post a Comment