Pages

Wednesday, April 30, 2014

Security guard inireklamo sa Boracay PNP, matapos aktong nahuling umiinom ng alak habang naka duty

Posted April 30, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Inireklamo sa Boracay PNP ang isang security guard na aktong nahuling umiinom ng alak habang nasa kaniyang duty.

Sa report ng Boracay PNP Station, isang concern citizen ang humihingi ng police assistance sa kanila tungkol sa nangyayaring pang-iisturbo at pang-iinsulto sa isa nilang staff ng Zipline sport activity sa Sitio.Lapuz-Lapuz Brgy. Balabag.

Kinilala naman ang biktimang si Ever Cris Arao-Arao, 25-anyos, driver ng Zipline sports Activity   sa Boracay at residente ng Handuam, Mandaue, Cebu City, habang ang security guard ay kinilalang si Jomar Solano, 32-anyos, tubong Ibajay, Aklan at Security guard din sa nasabing Zipline.

Base sa imbisitigasyon ng kapulisan, nangyari umano ang insidente bandang alas-dos ng madaling araw kanina kung saan itong biktima ay nagtungo sa nasabing Zipline at akto nitong naabutan ang security guard na umiinom ng alak na mag-isa habang naka duty.

Nabatid na gumawa ng iskandalo at kwento ang sekyu na meron umanong nangyaring komusyon sa loob ng Zipline kung saan ipinakita pa nito sa biktima ang kaniyang kamay na may dugo sabay sampal sa kaliwang mukha ni Arao-Arao.

Pagkatapos nito niyaya pa ng nasabing sekyu ang biktima na makipag-kamay sa kaniya ngunit ng akma namang iaabot ni Arao-Arao ang kaniyang kamay dito sa suspek ay pinisil pa niya ito ng mahigpit at binalibag siya sa sahig.

Nagawa naman ng biktima na ipagtanggol ang kaniyang sarili sa supek sa pamamagitan ng pag suntok dito sa kaniyang katawan ngunit agad naman silang inawat ng ilan sa mga nakasaksi sa nasabing kaguluhan.

Samantala ang nasabing kaso ay mas minabuti na lamang na ini-referred sa Brgy. Justice System.

No comments:

Post a Comment