Pages

Wednesday, April 30, 2014

Drum, Lyre and Bugle Contest ng DepED Malay gaganapin na ngayong araw

Posted April 30, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Gaganapin na ngayong araw ang inaabangang at kauna-unahang Drum, Lyre and Bugle kumpitisyon ng DepEd Malay.

Ito’y bilang bahagi parin ng selebrasyon ng Malay Municipal/Parochial Fiesta o (11th Fiesta de Obreros) bukas.

Kinabibilangan naman ito ng mga paaralan mula sa elementarya at sekondarya sa nasabing bayan maging ang mga paaralan sa isla ng Boracay.

Bibigyan rin rito ang mga kasali ng cash advances kung saan sa mainland elementary school ay makakatanggap ng P3, 500.00 at sa island elementary school ay makakatanggap din ng P7, 500.00 at sa lahat ng high schools ay makakatanggap rin ng P8, 000.00 cash advance.

Ngunit ang mga cash advance na ito ay inaasahang ibabawas sa kanilang makukuhang premyo sa kumpitisyon ng bawat paaralan.

Samantala, sa Elementary School Level ang First Place ay makakatanggap ng P 12, 000.00 plus plaque worth P1,000.00, Second Place P 10,000.00 plus plaque worth P1,000.00, Third Place P 9,000.00 plus plaque worth P1,000.00.

At para naman sa consolation Prize ng mga hindi pinalidad na grupo ay uuwi rin sila ng nagkakahalagang P 8,000.00.

Para naman sa Secondary School Level, ang First Place ay makakatanggap ng P 18, 000.00 plus plaque worth P1,000.00, Second Place P 16,000.00 plus plaque worth P1,000.00, Third Place P 14,000.00 plus plaque worth P1,000.00 at sa Fourth Place P 12, 000.00 plus plaque worth P1,000.00.

Ang kumpitisyong ito ay pinangungunahan ni Mr. Jake Sullano ng DepEd Malay na gaganapain mamayang alas-dos ng hapon sa Malay Public Plaza.

No comments:

Post a Comment