Pages

Tuesday, April 29, 2014

SP Aklan, muling ipinatawag ang mga sangkot sa nangyaring komosyon sa Kalibo International Airport

Posted April 29, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Muling ipinatawag para sa susunod na committee hearing ng Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ang mga sangkot sa nangyaring komosyon sa Kalibo International Airport (KIA).

Kabilang na umano rito ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), si Kalibo Airport Manager Cynthia Aspera at mga empleyado ng Cebu Pacific Air.

Ayon sa SP Aklan ito’y kaugnay pa rin sa paghingi ng report at pagpapaliwanag sa CAAP at dalawang piloto ng eroplano upang mabigyang linaw ang isyu.

Nabatid rin sa ineskedyul na committee hearing noong Abril 14 na hindi nakadalo ang ilang myembro ng CAAP gayundin ang ilang empleyado ng nasabing eroplano nang ipatawag ang mga ito ng SP.

Samantala, matatandaan sa naunang mga ulat na nangyari ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga tsinong pasahero at ilang piloto ng Cebu Pacific sa KIA noong Marso 28 taong kasalukuyan.

Ito’y matapos na nasa 170 na mga pasahero ang na-stranded nang magdesisyong bumalik ang mga piloto ng nasabing eroplano sa KIA na papunta sanang Shanghai-China dahil sa umano’y hindi magandang panahon.

Sinisikap naman sa ngayon ng Aklan Provincial government na isulong ang mas magandang crisis management team ng KIA.

No comments:

Post a Comment