Pages

Tuesday, April 15, 2014

PSInspector Mark Evan Salvo, itinangging may Budol-budol sa Boracay

Posted April 14, 2014 as of 6:00pm
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Money switching at hindi budol-budol.

Ito ang sinabi ngayon ni Boracay PNP Chief PSInspector Mark Evan Salvo kaugnay sa umano’y muntik nang pambibiktima ng Budol-budol sa Boracay nitong nakaraang araw.

Ayon kay Salvo, magkaiba ang Money Switching at Budol-budol, kung saan, bilis ng kamay sa switching o pagpalit ng pera ang ginagamit ng suspek at saka magrereklamong kulang ang sukli.

May panloloko naman umanong nagaganap sa Budol-budol, at kadalasang malaking halaga ng pera ang nakukuha sa mga biktima.

Samantala, may lead at nakaalerto na rin umano sila tungkol sa nasabing money switching kung saan nabatid na isang grupo mula sa Bulacan ang tumangkang mambiktima ng isang may-ari ng restaurant sa Barangay Balabag nitong Biyernes.

No comments:

Post a Comment