Pages

Monday, April 14, 2014

PCG Caticlan at Boracay, may posibilidad na magkaroon ng helicopter para sa mga search and rescue operations

Posted April 14, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

May posibilidad na maglaan ang Department of Transportation and Communication (DOTC) ng isang helicopter sa isla ng Boracay at Caticlan.

Ito ang sinabi ni Philippine Coast Guard (PCG) Station Commandant Lt. Senior Grade Jimmy Oliver Vingno kaugnay sa kauna-unahang pagkakaroon ng Search and Rescue (SAR) Base ng coastguard sa Roxas City sa Capiz.

Ayon kay Vingno, sa ginanap na groundbreaking ceremony nitong Sabado, sinabi ni Interior and Local Government Sec. Mar Roxas na napili ang siyudad ng Roxas bilang base ng SAR ay dahil nasa sentro ito ng mga sea lanes ng bansa kung saan malapit sa airport at iba pang mga ahensya ng gobyerno.

Ito na rin umano ang syang magiging base para sa mga Search and Rescue Operations sa Visayas Region.

Samantala, ang nasabing base ng coastguard ay nagkakahalaga ng 211 million na inaasahang namang matatapos ngayong taon.

Kasama rin umano ni Roxas na dumalo sa nasabing ground breaking ceremony si Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya, kung saan sinabi din nito na “SAR base strategic” ang pagkakapili ng Roxas City bilang lokasyon.

No comments:

Post a Comment