Pages

Tuesday, April 15, 2014

Negosyante sa Boracay, nabiktima ng pekeng pera

Posted April 15, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Kasabay ng pagbuhos ng mga turista sa isla ng Boracay ngayong summer ang paglabasan rin ng mga pekeng pera.

Katunayan, isang negosyante sa isla ng Boracay ang dumulog sa himpilan ng Boracay PNP kahapon ng umaga para ireklamo ang nasabing insidente.

Ayon sa report ng Boracay PNP, napansin umano ng biktimang si Remes Gines na tila kakaiba ang kaniyang isang libong pesong pera kumpara sa iba pa nitong pera.

Dahil dito agad umano niyang pinatingnan sa isang pawnshop sa Boracay ang nasabing pera kung ito ba ay peke o hindi at doon nga nito nadiskubrihan na ang kaniyang buong isang libong pesong pera ay walang pakinabang.

Napag-alaman na ang pekeng pera ay ibinayad sa kanila ng isang hindi nakilalang customer na bumili sa kanila ng litsong manok.

Samantala, pinayuhan naman ng mga otoridad ang lahat ng mga business establishment sa Boracay na tingnang mabuti ang mga perang ibinabayad sa kanilang ng kanilang mga customer.

No comments:

Post a Comment