Pages

Thursday, April 24, 2014

PHO-Aklan, nilinaw na walang MERS-CoV sa probinsya

Posted April 24, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nilinaw ng Provincial Health Office (PHO) Aklan na walang kaso ng Middle East Respiratory Syndrome-Coronavirus (MERS-CoV) sa probinsya.

Ito’y sa kabila ng naibalitang isang Aklanong OFW ang nakasabay sa eroplano na sinakyan ng isang Pinoy nurse na pinaniniwalaang positibo sa naturang sakit.

Agad namang nagpahayag ang Department of Health (DOH) Region 6 na negatibo sa sakit ang nasabing Aklanon matapos ang isinagawang test ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ngunit ayon pa sa PHO muli sumailalim sa quarantine at examination ang OFW na Aklanon para masiguro ang kaniyang kaligtasan kung saan maging ang pamilya nito ay isinailim din sa swab test.

Ang naturang overseas worker ay residente ng Kalibo, Aklan na sumakay ng Etihad Airlines flight EY 0424 mula United Arab Emirates (UAE) kung saan lumapag sa Ninoy Aquino International Airport noong Abril-15.

No comments:

Post a Comment