Pages

Friday, April 25, 2014

Boracay PNP, aminadong kulang pa rin sa mga gamit at ilang machineries

Posted April 24, 2014 as of 6:00pm
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Aminado ngayon ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) na kulang pa rin sila sa ilang mga gamit tulad ng computer.

Ito’y kaugnay sa request kamakailan ni Boracay PNP Chief PSInspector Mark Evan Salvo sa lokal na pamahalaan ng Malay hinggil sa pagsasaayos ng pasilidad ng himpilan.

Ayon sa BTAC, dahil sa kakulangan ng computer apektado tuloy maging ang pag-i-encode ng mga blotter reports.

Kaya’t para na lamang umano sa kanilang “passion at commitment” ay ginagamit na rin maging ang kanilang mga sariling laptops para mapadali ang kanilang operasyon.

Kaugnay nito humingi na rin umano sila ng assistance sa kanilang higher headquarters upang maayos ang matagal nang mga problema.

Sa kasalukuyan, ay ginagawan ng paraan ng BTAC na hindi maapektuhan ang kanilang operasyon, hangga’t hindi pa dumarating ang sagot sa ipinadala nilang request.

No comments:

Post a Comment