Pages

Thursday, April 10, 2014

Pagsasaayos ng Panit-an-Nabas Transmission Lines, naaantala dahil sa right of way

Posted April 10, 2014
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Maaaring makaranas parin ng power interruption o brown out ngayong summer ang isla ng Boracay.

Sa kabila ito ng pagpapasiguro ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na minamadali nila ang pagsasaayos ng mga nasirang Panit-an-Nabas transmission line.

Naaantala pa rin kasi ang kanilang ginagawang rehabilitation at restoration project dahil sa problema sa right of way.

Sa isang press conference, sinabi ni NGCP Panay District Head Rey Jaleco na may mga lot owners na ayaw itayo sa kanilang lupa ang mga Emergency Restoration System (ERS) ng NGCP.

Ito rin ang dahilan kung bakit aminado si Jaleco na hindi nila matatapos ngayong buwan ng Abril ang nasabing proyekto.

Magkaganon paman, sinabi pa nito na nakipag-ugnayan na sila sa pamahalaang probinsya ng Aklan upang matulungan sila sa nasabing problema.

Matatandaang ikinabahala din ni mismong Aklan Vice Governor Gabrielle Quimpo ang problemang kinakaharap ng NGCP kung kaya’t pinaghahanda nito ang mga stakeholders sa Boracay.

No comments:

Post a Comment