Pages

Thursday, April 10, 2014

Mas magandang crisis management sa Kalibo Airport, isinusulong

Posted April 10, 2014 as of 7:00am
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Isinusulong ngayon ng Aklan Provincial Government ang mas magandang crisis management sa Kalibo Airport.

Kasunod ito ng nangyaring hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga tsinong pasahero at ilang piloto ng Cebu Pacific sa Kalibo International Airport (KIA) nitong nakaraang linggo, dahilan upang ipinatawag ni Aklan Governor Florencio Miraflores ang crisis management team ng KIA.

Sa ginanap na pagpupulong kasama ang mga taga Civil Aviation Authority of the Philppines (CAAP) at Kalibo Airport Manager Cynthia Aspera.

Sinabi ni Aklan Governor Florencio Miraflores na hindi na dapat pang maulit ang nangyaring komosyon.

Nabatid na nasa 170 na mga pasahero ang na-stranded nang magdesisyong bumalik ang mga piloto ng nasabing eroplano sa KIA na papunta sanang Shanghai-China dahil sa umano’y hindi magandang panahon.

Samantala, sa April 14 naman ay magkakaroon ang Sangguniang Panlalawigan (SP) Aklan ng isang joint committee hearing hinggil sa mga naglabasang isyu sa nasabing insidente.

No comments:

Post a Comment