Pages

Thursday, April 10, 2014

Maiingay na musika sa Boracay, ipagbabawal ng SB Malay ngayong Semana Santa

Posted April 10, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Ipagbabawal ng Sangguniang Bayan ng Malay ang maiingay na musika sa Boracay ngayong Semana Santa.

Sa Other matters sa Malay SB Session kahapon, sinabi ni SB Member Rowen Aguirre na maaari nilang e-re-adopt ang nagdaang resolusyon para dito.

Ganito rin umano ang ginagawa ng mga nagdaang administrasyon kung saan pansamantalang ipinatigil ang lahat ng mga nagpapatugtog ng musika sa isla ng Boracay.

Nabatid na maaari nilang ipatupad ito sa araw ng Biyernes Santo simula alas-sais ng umaga hanggang alas-sais ng hapon.

Bagamat isang araw lang itong ipagbabawal nais naman ng SB Malay na makiisa ang lahat ng mga establisyemento sa isla ng Boracay para sa pag-gunita ng Holy Week.

Samantala, magbibigay naman ang abiso ang LGU Malay tungkol dito para sa lahat ng mga business establishment sa Boracay lalo na sa mayroong malalakas na tugtugin kagaya ng tambol at ibat-ibang music instrument na nakakaagaw atensyon sa paggunita ng Semana Santa.

No comments:

Post a Comment