Pages

Thursday, April 10, 2014

Problema sa tubig ng mga residente ng Sitio Tabon Caticlan, malapit nang masulusyunan

Posted April 10, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Malapit na umanong masulusyunan ang problema sa tubig ng mga residente ng Sitio Tabon Brgy. Caticlan, Malay, Aklan.

Sa SB Session ng Malay nitong Martes kung saan muling tinalakay ang nasabing problema, sinabi ni SB Member Rowen Aguirre nagpahiwatig na ang BIWC o Boracay Island Water na handa silang tumulong sa mga residente ng nasabing lugar.

Ngunit sinabi ni Boracay Water Customer Service Officer Acs Aldaba na kailangan pa umano nilang makipag-ugnayan sa TIEZA o Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority tungkol dito.

Under o sa ilalim umano kasi sila ng pamumuno ng TIEZA, at sa Boracay lamang nakasentro ang kanilang serbisyo.

Nabatid na kung sakaling pumayag ang TIEZA sa kahilingan ng BIWC ay maaari nang maumpisahan ang proseso para dito.

Matatandaang nagpasaklolo ang mga residente ng Sitio. Tabon sa Sanguniang Bayan ng Malay dahil sa mahigit isang buwan nang walang suplay ng tubig ang kanilang lugar.

Sa ngayon patuloy paring umaasa ang mga residente ng nasabing lugar na muling may lumabas na tubig sa kanilang mga gripo at maibsan ang kanilang hirap sa pag-iigib ng tubig sa mga kalapit na lugar.

No comments:

Post a Comment