Pages

Wednesday, April 30, 2014

Lalaking Chilean national, ninakawan sa Boracay

Posted April 30, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Iniimbestigahan parin ng mga taga Boracay PNP Station ang isang kaso ng pagnanakaw sa Station 1 Balabag nitong Lunes.

Kaugnay ito sa isang turistang nagreklamo matapos na umano’y tangayin ng hindi nakilalang kawatan ang kanilang pera at mga Iphone 5.

Nabatid na dumulog sa Boracay PNP nitong Lunes si Ignacio Espinoza, 23 anyos ng Chile at ang kanyang kaibigang babae na si Ingerborg Marie Bern Egeland, 24 anyos, na isang Norwegian national upang i-report ang nangyari.

Ayon sa report, iniwan umano nila ang kanilang mga gamit at perang nagkakahalaga ng mahigit 7 thousand pesos sa beach bed ng isang resort sa Station 1 Balabag at naligo sa dagat.

Subalit, makalipas ang ilang minuto ay may isang hindi kilalang lalaki di umano ang lumapit sa nasabing beach bed at kinuha ang kanilang gamit gayundin din ang pera.

Sinubukan di umano ng mga biktima na pigilan ang lalaki subalit pinagbantaan di umano ang mga ito na sasaktan kaya’t hinayaan nalang nila.

Matapos ang pangyayari, tinawagan umano nila ang kanilang mga cellphone para sa posibleng pagkakatukoy ng suspek subalit naka-off na ang mga ito.

No comments:

Post a Comment