Pages

Wednesday, April 30, 2014

Paglalagay ng PNPA booth sa beach front ng Boracay, pinaghahandaan na ng BTAC

Posted April 30, 2014 as of 12:00nn
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Maaaring mabawasan na ang bilang ng mga nabibiktima ng nakawan sa beach front ng Boracay.

Partikular na dito ang mga turistang iniiwan sa dalampasigan ang kanilang mga gamit upang maligo sa dagat.

Pinaghahandaan na kasi ngayon ng BTAC ang paglalagay ng “Panatag na Po Ako” (PNPA) booth na magsisilbi ring assistance desk sa beach front.

Ayon kay Boracay PNP Chief PSInspector Mark Evan Salvo.

Mawawalan ng oprtunidad ang mga kawatang makapambiktima sa mga turistang naliligo, dahil may locker umano ang nasabing PNPA booth na maaaring paglagyan ng kanilang gamit.

Inihahanda na rin sa ngayon ng BTAC ang desinyo ng booth at ang budget para dito.

No comments:

Post a Comment