Pages

Wednesday, April 30, 2014

BFI, ikinatuwa ang mga programa ng Patrol Plan 2030 ng BTAC

Posted April 30, 2014
Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Ikinatuwa ngayon ng Boracay Foundation Inc. (BFI) ang mga pogramang nakapaloob sa Patrol Plan 2030 ng Boracay PNP Station.

Katunayan, sinabi ni BFI President Jony Salme na maganda ang nasabing programa para mas na mapaigting ang Peace and Order sa isla lalo na’t tuloy-tuloy ang pagdagsa ng mga bakasyunista dito.

Samantala, dagdag pa ni Salme na buo rin umano ang kanilang suporta sa programa kasama ang ilan pang mga Non-Government Oraganizations (NGOs) para sa ikagaganda ng Boracay.

Ang PATROL Plan 2030 ay isinakatuparan bilang bahagi ng Integrated Transformation Program ng Philippine National Police.

Ito’y upang mas mapalakas ang kapasidad ng pulisya sa buong bansa sa pagsisiguro ng seguridad ng bawat mamamayan.

Kaugnay nito, ginawa ring aktibo ang Police Strategy Management Unit ng Boracay PNP upang mamonitor ang mga aktibidad at programa ng PATROL Plan 2030.

No comments:

Post a Comment