Pages

Thursday, April 03, 2014

CCTV Cameras sa mga establisyemento sa Boracay, hindi pa hinihigpitan ng LGU Malay

Posted April 3, 2014 as of 12:00nn
Ni Jay-ar Arante, YES FM Boracay

Bagamat hindi pa naghihigpit ang LGU Malay para sa CCTV Cameras sa mga establisyemento sa Boracay, hindi naman umano ito isinasantabi.

Ayon kay Malay SB Secretary Corcodia Alcantara, mayroon na umanong ordinansa tungkol dito kung saan required ang lahat ng mga establisyemento sa isla at Malay na maglagay ng kanilang  Close-circuit television (CCTV).

Pero sa ngayon umano ay mas pinagtutuunan muna ng pansin ng lokal na pamahalaan ng Malay ang 25+5 meter ordinance sa Boracay.

Iginiit naman ni Alcantara na marami na ring mga establisyemento sa isla ang nagco-comply nito kung saan para na rin sa kanilang seguridad at maging sa kanilang negosyo.

Nabatid na isinama na rin ito sa mga requirements kapag magre-renew ng business permit sa licensing Department ng LGU Malay, ngunit hindi parin ito inoobliga dahil nag-aantay pa sila ng utos mula kay Mayor John P. Yap kung kailan ito ipapatupad.

Magkaganon paman hindi parin ligtas ang lahat ng mga establisyemento sa Boracay sakaling obligahin na ang pagpapatupad ng LGU Malay.

Bagamat magastos ito sa bahagi ng may-ari, malaki naman ang maitutulong ng CCTV camera sa paghuli sa mga masasamang loob at gayon din sa pagresolba sa mga kreming nangyayari sa isla o sa alin mang lugar.

No comments:

Post a Comment