Pages

Friday, April 04, 2014

Malay Mayor John Yap, nangakong tutugunan ang mga problemang kinakaharap ng MPOC

Posted April 3, 2014 as of 12:00nn
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Ipinangako ngayon ni Malay Mayor John Yap na tutugunan ang mga problemang kinakaharap ng ilang miyembro ng MPOC.

Sa ginanap na Malay Peace and Order Council (MPOC ) meeting kaninang umaga, sinabi ni Boracay PNP Chief PSInspector Mark Evan Salvo na nangangailangan ng desktop computers ang kanilang himpilan para sa kanilang pang-araw-araw na operasyon.

Inirekomenda din nito ang pagpapalagay ng mga street lights sa mga madilim na bahagi ng barangay Manoc-manoc at Yapak.

Samantala, sa kabila ng kanilang accomplishment report, inilatag naman ni Malay PNP Chief PSInspector Reynante Jomocan ang kanilang pangangailangan ng radio communication, karagdagang pulis, at motorsiklong magagamit para sa mga barangay sa Malay na mahirap pasukin.

Kaugnay nito, kaagad ipinag-utos ng alkalde na trabahuin na ang intelligence fund ng MPOC para masolusyunan ang nasabing problema.

No comments:

Post a Comment