Pages

Friday, April 25, 2014

Ika-58th founding anniversary ng Aklan ipinagdiriwang ngayong araw

Posted April 25, 2014
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo credit by: Aklan Province facebook.com
Inaabangan na ng mga Aklanon ang pagdiriwang ngayong araw ng ika-58th founding anniversary ng probinsya ng Aklan.

Patunay rito ang magarbong selebrasyon na inihanda ng Provincial Government kung saan ibat-ibang pagtatanghal ang isasagawa sa harap ng kapitolyo mamayang gabe.

Isa na rito ang sikat na tsibugan sa Kapitolyo na ibibida naman ang mga pagkaing lutong Aklanon at ang pagtatampok ng mga produktong yari sa probinsya.

Photo credit by: Aklan Province facebook.com
Inaasahan namang magiging present sa naturang okasyon si Capiz Gov. Victor Tanco Sr., Aklan Gov. Florencio Miraflores, Aklan Vice Gov. Gabrielle Calizo-Quimpo at Aklan Rep. Teodorico Haresco Jr.

Nabatid na ilang sikat na artista at banda sa bansa ang inaasahang magtatanghal sa bayan ng Kalibo bilang pakikisaya sa Aklan Day hanggang sa Linggo.

Samantala, isang parada naman ang magaganap ngayong umaga sa nasabing bayan na lalahukan ng mga government officials ng Aklan, DepEd, Private sectors at mga NGOs.

Ang probinsya ng Aklan ay humiwalay sa Capiz at naging independent province sa bisa ng Republic Act 1414, kung saan pinirmahan ito ng dating Pangulong si Ramon Magsaysay noong April 25, 1956.

No comments:

Post a Comment