Pages

Saturday, March 29, 2014

Planong magkaroon ng sariling Fire Truck at Fire Station sa Malay, minamadali na

Posted March 28, 2014 as of 6:00pm
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay

Kailangang-kailangan talaga na may sariling fire truck at fire station sa bayan ng Malay.

Kaya naman minamadali na umano ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na matugunan ang nasabing pangangailangan ng munisipyo.

Ayon kay Local Government Operations (LGO) V Mark Delos Reyes.

Kailangang may instant na responde sakaling may mangyaring sunog sa bayan o mainland Malay.

Maliban kasi sa first class municipality ang Malay, aminado rin ito sa sitwasyon ng munisipyo kapag may sunog, dahil wala itong sariling fire truck.

Samantala, nilinaw ni Delos Reyes na hindi nito pinangungunahan ang munisipyo tungkol dito, bagkus ang masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Nabatid na ang fire truck ng TransAire sa Caticlan Airport ang nagsisilbing responde sa tuwing may sunog sa mainland Malay.

No comments:

Post a Comment