Pages

Friday, March 28, 2014

Service charge ng mga manggagawa sa Boracay, naging prayoridad ng DOLE Aklan

Posted March 28, 2014 as of 12:00nn
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Naging prayoridad ng Department of Labor and  Employment (DOLE) Aklan ang Service Charge ng mga manggagawa sa isla ng Boracay.

Ayon kay DOLE Aklan Provincial Director Vidiolo Salvacion, marami umano kasi silang natatanggap na ibat-ibang reklamo mula sa mga manggagawa sa isla tungkol sa Service Charge (SC) na kanilang natatanggap buwan-buwan.

Samantala, kalimitan umano sa mga ito ay kulang ang natatanggap na SC na siyang nagiging dahilan kung bakit nagkakaproblema ang isang manggagawa sa kaniyang pinapasukang trabaho.

Sa kabilang banda, nilinaw pa ni Salvacion na kung ang isang establisyemento o kumpanya ay walang ipinapataw na service charge sa kanilang mga kustumer ay wala din umanong matatanggap na service charge ang mga manggagawa.

Sinabi pa nito na maaari namang maharap sa penalidad ang isang business establishment sakaling hindi nila maipakita ang kanilang kinikita sa service charge na nagiging basehan din kung magkano ang mapupunta sa mga manggagawa.

No comments:

Post a Comment