Pages

Saturday, March 29, 2014

Mga mag O-OJT sa Boracay, pinaalalahan ng DOLE Aklan

Posted March 29, 2014 as of 7:00am
Ni Jay-ar  Arante, YES FM Boracay

Pinaalalahanan ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) Aklan ang mga nagbabalak na mag On The Job Training (OJT) sa isla ng Boracay.

Ito’y sa kabila ng pagdami ng mga nag O-OJT sa isla na nagmumula pa sa ibat-ibang kolehiyo o Unibersidad sa bansa.Ayon kay DOLE Aklan Provincial Director,Bediolo Salvacion.

May lumabas na umanong OJT manual na magiging guide nila kung ano ang dapat nilang pasukang trabaho na sakto sa kanilang kinuhang kurso.

Samantala, sinabi pa ni Bediolo na ayos lang umano ang mga nag O-OJT sa Boracay dahil ang kanilang trabaho ay kuniktado naman sa kanilang kurso kagaya ng sa hotel at restaurant.

Nilinaw pa nito na sadyang mayroon aniyang mga OJTs na sila pa ang nagbabayad para lamang makapagtrabaho sa kanilang training ground.

Ang nasabing OJT ay isang requirement sa mga graduating student, kung saan may kaugnayan ito sa kanilang kinuhang kurso at bilang paghahanda sa kanilang magiging trabaho sa kasalukuyan.

2 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. Hi inquiry lang po. Ano po ang mga resorts and hotel sa boracay ang tumatanggap ng OJT's for HRM courses? Thank you. I'm from Negros Oriental State University.

    ReplyDelete