Pages

Thursday, March 13, 2014

“Persona Non Grata” kontra kay Crisostomo Aquino, mainit na dinibatihan ng SB Malay

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Mainit na dinibatihan ng Sangguniang Bayan ng Malay kahapon ang resolusyon na nagdedeklara kay Crisostomo Aquino bilang “Persona Non Grata”.

Ito ay sa pagitan nina SB Member Rowen Aguirre at SB Member Frolibar Bautista.

Ayon kay Aguirre patuloy parin umano ang ginagawang paglabag sa patakaran at regulasyon ni Crisostomo sa ilalim ng sa batas ng pamahalaan.

Ninais naman nitong ilipat ang resolusyon na nagdedeklara kay Aquino bilang “Persona Non Grata” kung saan aprobado na rin sa 2nd at final reading ng SB Malay.

Ngunit sa kabila nito pinipilit ni Bautista na mabigyan siya ng linaw kung bakit kinakailangang madeklarang “Persona Non Grata” si Aqunio.
Samantala, ang ipinagtataka naman ni Bautista ay kung sino ang pumayag na magtayo ng Resort si Aquino sa Boracay sa kabila ng walang sapat na permit para sa operasyon nito.

Matatandaang nagpasa ng resolusyon si Aguirre laban kay Aquino ng West Cove Boracay Resort dahil sa umano’y ginawang pambabastos o pagsasalita ng hindi maganda nito kay Baranggay Captain Neneth Graf ng Motag, Malay, Aklan.

No comments:

Post a Comment