Pages

Wednesday, March 12, 2014

Mga residente ng Sitio Tabon Caticlan, nagpasaklolo sa SB Malay dahil sa kawalan ng suplay ng tubig sa kanilang lugar

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

“Mas mabuti nang walang kuryente kaysa walang tubig”

Ito ang sigaw ng mga residente ng Sitio Tabon Brgy. Caticlan sa Sangguniang Bayan ng Malay kaninang umaga.

Dito nagpasaklolo sila sa mga konsehales kung paano masosulusyunan ang kanilang matagal nang pinoproblema.

Sinabi pa ng mga ito na mahigit isang buwan nang walang suplay ng tubig ang kanilang lugar at maging ang kanilang pinagkukunang balon ay tuyong-tuyo na rin.

Napag-alaman na bago paman mangyari ang ganitong problema ay may dumadaloy pang tubig sa kanilang mga tubo na nakakonekta sa Malay Water District, subalit nararanasan pa ito dis-oras ng gabi.

Isa naman ito sa nagiging dahilan kung kaya’t kinakailangan pang-magpuyat ng mga residente sa pag-iimbak ng kanilang tubig na gagamitin sa pang araw-araw na pangangailangan.

Sinabi naman ni SB Member Frolibar Bautista na kinakailangang mabigyan na ito ng agarang aksyon at huwag ng antayin ang ibang taong gagawa nito.

Nakatadaka namang magkaroon ng committee hearing ang SB Malay tungkol dito sa pangunguna ni SB Member Pater SacapaƱio bilang Chairman ng Committee on Public Works Utility and Public Ways.

Sa ngayon umaasa naman ang mga residente ng Sitio Tabon na mabibigyan na ng solusyon ang kanilang malaking problema sa kanilang lugar.

Samantala, nakatakda namang ipatawag ng SB Malay ang General Manager ng Malay Water District kung bakit hindi nabibigyan ng suplay ng tubig ang nasabing lugar.

No comments:

Post a Comment