Pages

Thursday, March 13, 2014

Operasyon ng West Cove resort sa Boracay, gustong ipatigil ng SB Malay

Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Gustong ipatigil ng Sangguniang Bayan ng Malay ang operasyon ng West Cove Resort sa isla ng Boracay.

Ito’y makaraang iniakyat ni SB Member Rowen Aguirre sa Office of the Mayor ang regulasyong mahigpit na nagrerekumendang itigil ang operasyon ng nasabing resort.

Sinabi naman ni SB Member Floribar Bautista sa Session nitong Martes na nais niyang paimbistigahan kung sino man ang nagbigay ng pahintulot para ipatayo ang West Cove Resort kahit na wala itong kaukulang permit.


Aniya, kung hindi pa naidala ang problemang ito sa National Television ay hindi rin umano ito mabibigyan ng aksyon at malaman na meron pala itong mga nilabag na batas.

Sa kabilang banda ilang bahagi na rin ng resort ang tinibag kamailan kung saan ang pinakahuli ay ang deck area na bahagi parin ng ipinapatupad na Boracay Redevelopment Task Force o BRTF.

Matatandaang naging kontrobersyal ang West Cove resort makaraang babaan ng kautusan ng DENR, Department of Interior and Local Government o DILG at ng LGU Malay na ipatanggal ito dahil sa lumabag sa batas pangkapaligiran.

Samantala, tanyag narin ang resort na tinatawag na “mother of all Violators” sa isla ng Boracay na pagmamay-ari ni Crisostomo “kris” Aquino.

No comments:

Post a Comment