Pages

Thursday, March 13, 2014

Pagsunod sa Loading at Unloading Area, muling ipinaalala ng MTO

Ni Gloria Villas, YES FM Boracay

Muli ngayong ipinaalala ng Malay Transportation Office (MTO) sa mga motorista sa isla ng Boracay ang pagsunod sa mga Loading at Unloading Areas.

Ito’y kaugnay sa reklamo ng ilang drayber na natitikitan kahit nasa tamang parking area naman, kaya’t marami na rin umano sa mga ito ang tila nalalabuan sa ordinansa kaugnay sa mga loading at unloading areas sa isla.

Subalit, paglilinaw naman ni Transport Regulation Officer II, Niño Sacapaño ng Malay Transportation Office.

Sa kanilang isinagawang inspection kamakailan hinggil sa estado ng traffic sa isla, nalaman ditong dahil sa maliit lamang umano ang kalsada ay may iilan din kasing mga pasaway na motirista na doon nagpaparking sa daanan ng publiko.

Kaya’t humingi din ito ng pag-unawa sa mga motorista na kahit na walang nakalagay na signages at makikitang maliit lamang ang area at karaniwan pang dinadaan ng publiko.

Magbigay na lamang umano ng konsiderasyon dahil minsan ang ilan sa mga ito’y dumadaan nalang kahit sa gitna na ng kalsada.

Samantala, nilinaw naman ng MTO na bago payagang mag-isyu ng ticket ang mga MAP members ay kinakailangan munang warningan o bigyang alam ang mga motorista para sa tamang pagpaparking.

Sa kabilang dako, tumanggi namang magbigay ng pahayag ang MAP Boracay hinggil sa hinaing ng mga motorista sa isla.

No comments:

Post a Comment